68 milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska ng PNP Sa Cebu

106

Nasabat ng mga tauhan ng Police Regional Office 7 at Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) ang 68 milyong halaga ng shabu sa kanilang buy bust operation sa Barangay Sambag I nitong Martes.

Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., nahuli sa naturang operasyon ang dalawang drug personalities na itinuturing na “High value individuals”.

Kinilala ang mga suspek na sina Cornelio Baron, 39 anyos at Jacquelin Gustilo Baron, 49 anyos.


Ayon kay Lt. Gen. Danao, kapag nagtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay mas napapalawak ang intelligence network na nagreresulta sa pagtukoy at paghuli ng mga bigating mga drug personalities.

Facebook Comments