Makabuluhang Ramadan dalangin ni DENR ARMM Secretary

9

Kasabay ng pagsisimula ng buwan ng Ramadan, lubos ang pagpapasalamat ng mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources ARMM matapos mapagkalooban ng tig-isang sakong bigas.

Napakalaking tulong aniya ito lalo nasa sa katulad nyang ina na may dalawang anak ayon pa kay Rohanie Abas, empleyado ng DENR ARMM. Kaugnay nito lubos ang kasayahan nito at pagpapasalamat kay Sec. Kahal Kedtag.

Samantala, napakaliit lamang aniya ito na bagay kumpara sa di matatawarang pagtatrabaho ng mga empleyado sa departamento giit naman ni Sec. Kedtag .

Matatandaang nakagawian na ng kalihim na magbigay ng bigas sa tuwing Ramadan simula ng itoy manungkulan noong 2012.

Hinimok naman ni Sec. Kedtag ang lahat ng kanyang mga kawani at mga kababayang mananampalatayang Islam na sanay maging makabuluhan ang obserbasyon ng Ramadan. Naway umiral pa rin ang pagmamahalan di lamang ngayong panahon dagdag ng kalihim.

DENR ARMM Pic

Facebook Comments