Makahiwalay na sunog – sumiklab sa lungsod ng Pasay at Maynila

Manila, Philippines – Umaabot sa dalawampung mga bahay ang kabuuang natupok sa sunog kanina sa Maytubig Compound, Barangay 1, Zone 1, Pasay City.

Nabatid na nagmula ang sunog sa isang kalan matapos na mapabayaan ang niluluto ng isang residente.

Tatlong residente sa lugar ang nasugatan sa nasabing sunog.


Ilan pang naninirahan sa lugar ang muntik na ma-trap dahil wala nang madaanan matapos na mabilis kumalat ang apoy.

Samantala, umabot naman sa 5th alarm ang sumiklab na sunog sa kanto ng Osmeña Highway at Quirino Ave. sa Paco, Maynila.

Ayon sa mga residente, nagmula ang apoy sa nag-away na mag-asawa sa lugar.

Facebook Comments