Kakaibang ice cream na patok sa Mexico – viral ngayon sa social media

Mexico – Nag-viral sa social media ang isang kakaibang ice cream sandwich na binebenta ng street vendors sa Mexico.

Kakaiba ang nasabing ice cream sandwich dahil sa paghahanda.

Una daw ay hiniwa lang ang tinapay pagkatapos ay pinalamanan ng karne, gulay, sauce at ang paghuli ay ang anim na takal ng ice cream.


Ayon sa Sanchez family, nag-umpisa lamang ito sa eksperimento, kung saan ang sekreto ay ang paglalagay ng kaunting asin para mabilis matunaw ang ice cream para makagawa ng matamis at may kaunting alat na kombinasiyon ng lasa ng ice cream.

Agad naman daw itong pumatok sa kanilang mga parokyano.

Facebook Comments