MAKAKAASA | Vietnam, tiniyak sa Pilipinas ang sapat na supply ng bigas

Vietnam – Tiniyak ng Vietnam na makakaasa ng Pilipinas ng sapat na supply ng bigas.

Tinalakay ito kasabay ng bilateral talks nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc sa 32nd ASEAN Summit.

Ayon kay Pangulong Duterte, pinayagan na niya ang pag-aangakat ng bigas para mapunan ang kakulangan ng supply.


Tinanggal din ng Pangulo ang quota para sa rice imports upang makabili pa ang mga private traders sa ibang bansa.

Ipinunto ng Pangulo na maiiwasan sana ang rice shortage kung mayroon lamang na sapat na imbentaryo ng bigas.

Facebook Comments