Makalaglag-pangang closing ceremony ng SEA Games, tiniyak ng PHISGOC

Tulad ng opening ceremony, tiniyak ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na magiging engrande rin ang pagsasara ng 30th SEA Games sa Miyerkules, December 11.

Ayon kay Chief Operating officer Ramon Suzara – isang celebration concert ang matutunghayan sa closing rites na paraan aniya ng pagpapasalamat nila sa mga atleta, volunteers, media at sa publiko na sumuporta sa hosting ng bansa sa SEA Games.

Bibida rito ang international pop group na Black Eyed Peas at Pinoy International singer na si Arnel Pineda.


Sa isang okasyong gaganapin sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac naman hihirangin ang magiging overall champion, best male at female athlete at fair play award sa isang bansang lumahok sa biennial meet.

Sa ngayon, hinihintay pa nila kung makakadalo sa seremonya si Pangulong Duterte.

Facebook Comments