Makamandag na tarantulas, nasabat ng BOC sa NAIA

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa NAIA ang nasa 757 na buhay na Tarantulas kahapon

 

Ang mga Tarantula ay kinukunsiderang endangered wildlife species ay nakitang nakabalot sa gift-wrapped oatmeal and cookies at ipapadala sana sa Poland ng isang Wojciech Pakasz at naka-consigned kay Jesse Camaro, residente ng Caloocan City.

 

Sa ilalim ng R.A. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang sinumang lalabag sa  Illegal Wildlife Trading ay maaaring makulong ng higit 1 taon at multang di bababa sa P200k


 

Posible ding maharap ang mga suspek sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

 

Ang mga nakumpiskang Tarantulas ay itinurn over na sa DENR Wildlife Traffic Monitoring Unit kaninang umaga

Facebook Comments