Associate Justice Peralta , itinalaga para makipag ugnayan sa PDEA kaugnay ng pagkakasama ng ilang hukom sa narcolist

Itinalaga ng Korte Suprema si Supreme Court Associate Justice Diosdado Peralta para makipag-ugnayan sa PDEA.

 

Kaugnay ito ng gagawing imbestigasyon ng hudikatura sa mga huwes na kasama sa narcolist.

 

Magiging sentro ng pakikipag-ugnayan ni Justice Peralta sa PDEA ang paghingi ng listahan ng mga judges na may partisipasyon sa illegal drug trade


 

Sa sandaling makuha na ni Justice Peralta ang nasabing listahan, agad na sisimulan ng Korte Suprema ang fact-finding   at administrative   investigation

 

Una nang inihayag   ng Supreme Court na hindi nila kukunsintihin ang mga iligal na gawain sa kanilang hanay.

Facebook Comments