Makasaysayang bahay sa New Jersey – ipinagbibili sa halagang 500 piso

New Jersey – Isang makasaysayang bahay sa New Jersey ang ipinagbibili ngayon sa bagsak-presyong 10-dolyar (P500)!

Pero ito ay kung willing ang sinumang bibili na literal na ilipat ang buong bahay sa ibang lokasyon!

Ang buyer na rin daw ang bahala sa gastusin kapag pinalipat na ang bahay.


Nais pa rin daw kasi ng Montclair Official na ma-preserve pa rin ang bahay na itinayo pa noong 1906 at idinisenyo ng sikat na architech na si Dudley S. Van Antwerp.

Ito’y matapos na magdesisyon ang Montclair Planning Board na tayuan ang lote ng walong single family homes.

Target na maipagbili ang bahay bago mag-August 31.

Facebook Comments