Clearing operation, isinagawa ng Taytay-PNP sa bahagi ng Barkadahan Bridge Taytay, Rizal

Taytay, Rizal – Matapos ulanin, agad na nagsagawa ng clearing operation ang Taytay-PNP sa bahagi ng Barkadahan Bridge sa Barangay San, Juan, Taytay, Rizal.

Kinumpiska ng mga tauhan ng Taytay Clearing Operation Team ang mga paninda at gamit ng mga nagtitinda sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Taytay C/Supt. Samuel Delorino – ilang beses na nilang pinagsabihan ang mga vendor na huwag magtinda sa tabi ng kalsada dahil nakakaabala sila daloy ng trapiko.


Umalma naman ang mga vendor at iginiit na wala silang ibang mapagkakakitaan kundi ang pagtitinda.

Facebook Comments