Patuloy ang pagsusumikap ng Department Of Education para makuha ang nararapat na sahod ng mga guro sa bansa.
Kabilang sa naging proseso ang pagaaral ng istado sa sahod ng guro sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ayon sa DepEd dahil Salary Standardization Law (SSL) following Executive Order (EO) no. 201, s. 2016 mas tumaas ang kinikita ng pampublikong guro kumpara sa pribado.
Sa pag aaral ni Dr. Rosario Manasan base na rin sa datus ng Philippine Statistics Authoritys noong 2016 nasa 11k ang sahod sa pribadong paaralan sa NCR habang 19k pesos ang sa pampublikong paaralan.
Sa ibang bahagi ng bansa tulad sa barmm nasa 6k pesos ang sahod sa pribadong paaralan malayo sa 17k pesos na sahod sa pampublikong paaralan.
Sa kabila nito dahil sa pagusad ng panahon nais ni Sec Briones na makasabay sa mahal ng bilihin ang pamumuhay ng guro at iba pang sector.