Pinakamataas na aktibong kaso ng COVID-19 mula nitong Abril, naitala kahapon sa 12,528

49

Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) ang pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 mula noong Abril.

Ito ay matapos umabot sa 12,528 ang aktibong kaso ng sakit na highest mula noong Abril 25.

Samantala, nakapagtala naman ng 1,712 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang tumaas pa sa 60,639 ang mga nasawi dahil sa virus.


Ayon pa sa DOH, nakapagtala ang National Capital Region (NCR) ng 748 na bagong tinamaan ng COVID-19.

Una nang sinabi ng OCTA na posibleng bumaba na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Facebook Comments