MAKATI CITY HALL PARKING BUILDING | COA, pinababalik kay dating Vice Pres. Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Binay ang higit dalawang bilyong piso

Manila, Philippines – Pinababalik ng Commission on Audit (coa) kay dating Vice President Jejomar Binay at anak nitong si dating Makati Mayor Junjun Binay at iba pa ang P2.292 billion na ginastos sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building II.

Ito ay matapos maglabas ang COA Special Services Sector’s Fraud Audit Office ng dalawang Notices of Disallowance (Nd) na may Petsang March 15, 2018.

Tinutukoy sa Notices of Disallowances ang P2.28 billion na ibinayad sa Hilmarc’s Construction Corporation para sa limang phase ng pagpapatayo ng gusali at ang P11.97 million na ibinayad sa Mana Architecture and Interiors Design Co., para sa disenyo ng car park.


Gayunman, hindi agarang epektibo ang utos ng COA dahil binigyan pa sila Binay ng anim na buwan para magsumite ng apela sa fao director at sa 3-men commission.

Pero nakasaad sa dokumento na ang audit of disallowance na hindi inapela sa loob ng anim na buwan ay magiging final at executory na.

Facebook Comments