MAKATI CITY HALL PARKING BUILDING II | Kampo ng mag-amang Jejomar at Junjun Binay, nakatakdang umapela sa COA

Manila, Philippines – Iaapela ng kampo nina dating Vice President Jejomar Binay at dating Makati Mayor Junjun Bunay ang utos ng Commission on Audit (COA) na ibalik ang P2.292 billion na ginastos sa pagpapatayo ng Makati City Hall Parking Building II.

Ayon sa tagapagsalita ng pamilya Binay na si Joey Salgado, hindi nagkaroon ng oportunidad ang mag-amang Binay na sagutin ang notice of disallowance ng COA.

Tinutukoy sa notices of disallowances ang P2.28 billion na ibinayad sa Hilmarc’s Construction Corporation para sa limang phase ng pagpapatayo ng gusali at ang P11.97 million na ibinayad sa Mana Architecture and Interiors Design Co., para sa disenyo ng car park.


Una nang binigyan ang kampo nila Binay ng anim na buwan para magsumite ng apela sa fao director at sa 3-men commission.

Pero ang audit of disallowance na hindi inapela sa loob ng anim na buwan ay magiging final at executory na.

Facebook Comments