Nagbigay ng pahayag si Makati City Mayor Abby Binay ukol sa naging desisyon ng korte suprema sa pag lilipat ng nasa sampung barangay mula sa ikalawang distrito ng makati sa lungsod ng taguig
Ayon sa alkalde na hinihintay na lamang nila ang kopya ng naging desisyon ng Korte Suprema sa kanilang lungsod upang magkaroon ng panibagong transition period sa paglilipat ng naturang mga barangay sa Taguig City.
Dagdag pa ng alkalde na nababahala ito para sa kinabukasan ng mga batang kasalukuyang nag-aaral at pinopondohan ng lungsod sa pagbibigay ng dekalidad at maayos na edukasyon ng city government sa kanilang pag-aaralin gayundin ang mga senior citizen sa nakapaloob sa kanilang mga programa sa Makati.
Lubos din umano itong nalungkot sa pagkawala ng nasa 300,000 residente bata man o matatanda na mawawala sa mga programa at serbisyo ng kanilang lungsod.
Sa huli, sinabi ni Mayor Abby na sa mga susunod na mga araw ay makikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang national government agencies upang ipagpatuloy ang laban sa kinabukasan ng kanilang mga residente sa naturang 10 barangay.