Makati City, naglunsad ng Satelitte Bakuna registration

Habang naghihintay ng pagdating ng supply ng bakuna para sa first dose, naglunsad ang Makati City government ng Satellite Bakuna registration.

Ito ay para mas mapabilis pa ang pagpapalista ng mga residente para sa pagbabakuna bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Partikular na ginawa ang bakuna registration sa covered court ng Brgy. Poblacion at Brgy. Rizal


Samantala, tuloy-tuloy naman ang pagbabakuna ng 2nd dose sa Makati Coliseum at Fort Bonifacio Elementary School.

Sa ngayon, umaabot na sa 8,619 na senior citizens sa Makati City ang nakakumpleto na ng bakuna.

Facebook Comments