Makati City, nakapagbigay na ng ₱364-M sa unang araw ng kanilang ₱5-K financial program

Umabot ng ₱364 milyon ang naipamahaging financial aid ng lokal na pamahalaan ng Makati sa unang araw ng kanilang “MAKA-tulong ₱5K for 500K+ Makatizens program”.

Kahapon ang unang araw nang pamamahagi ng nasabing tulong pinansyal ng lungsod sa mga residente nitong apektado ang pamumuhay nang dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang nasabing halaga ay para sa 72,000 residente pa lang.


Mula sa nasabing bilang, 31,785 residente nito ay galing sa District 1, na may katumbas na halaga ng ₱158,925,000 at ang 40,992 residente naman ay mula sa District 2 na umabot naman ng ₱204,960,000.

Ang MAKA-tulong program ay para sa mga residenteng nasa edad 18 taon pataas na nakatira sa Makati o sa alinman sa relocation areas na itinalaga ng pamahalaang lungsod sa San Jose del Monte City sa Bulacan at Laguna.

Facebook Comments