Nanguna ang lungsod ng Makati sa mga Metro Manila cities na nakapagtala ng pinakamaraming bagong kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng DOH, nasa 24 ang bagong kaso ng Makati habang sinundan naman ito ng Quezon City na mayroon 18 na bagong kaso.
Sumunod naman ang lungsod ng Maynila na nakapagtala ng 12 new COVID-19 cases habang siyam na bagong kaso ang naitala sa Las Piñas.
Kapwa naman ng nakapagtala ng walong kaso ang Mandaluyong, Parañaque, Pasig at Pasay.
Ang Caloocan ay nakapagtala ng limang bagong kaso ng COVID-19 at apat naman ang naitala sa Muntinlupa, Valenzuela at Taguig.
Samantala, walang naitalang bagong kaso ng virus sa Malabon, Marikina, Navotas, San Juan at bayan ng Pateros.
Facebook Comments