DOH, nakapagtala ng 225 panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa

36

Umakyat na sa 3,691,114 ang nationwide tally ng COVID-19 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 225 na bagong kaso kahapon.

Dahil dito, bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng virus sa 2,441 mula sa 2,334 noong Huwebes.

Nasa 117 naman ang naitalang bagong COVID-19 recoveries dahilan para umakyat sa 3,628,217 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit.


Samantala, umakyat na sa 60,456 ang nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng isa kahapon.

Facebook Comments