Makati City, target na mabakunahan ang dagdag na 15,000 na empleyado at residente kasunod ng pagbubukas ng bagong vaccination center

Abot sa 15,000 na mga residente at mga manggagawa sa Makati City ang mababakunahan kasunod ng binuksang bagong vaccination center sa pakikipagtulungan ng pribadong sektor.

Ito’y matapos pumayag ang Rockwell Land Corporation na ipagamit ang pasilidad nito sa loob ng Power Plant Mall bilang vaccination site at priyoridad na mabakunahan ang mga manggagawa na nagtatrabaho dito.

Kumpiyansa ang Makati LGU na makakamit ang 100-percent vaccination rate sa binukasang bagong vaccination site.


Manggagaling sa lokal na pamahalaan ang mga vaccines at logistics, kabilang dito ang mga medical supplies at cold chain storage.

Sa bahagi ng Rockwell, ito ang magdedeploy ng vaccination team sa pamamagitan ng healthcare provider na Reliance United at ito rin ang maghahanda ng venue, mga equipment.

Hinimok ni Mayor Abby Binay ang mga may-ari ng mga business establishments sa lungsod na iparehistro ang kanilang mga empleyado na kabilang sa Category 4A sa pamamagitan ng website nito na makatibusiness.safemakati.com.

Facebook Comments