Makati LGU, pumalag sa ulat na may data breach sa kanilang “Makatizen” COVID-19 data portal

Nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Makati na walang nangyaring data breach sa server ng kanilang proud Makatizen COVID-19 portal.

Ito’y matapos lumabas ang ulat ng online news site na Rappler na nalagay umano sa balag ng alanganin ang mga impormasyon na inilagay sa naturang data portal.

Ayon kay Makati City Spokesperson Atty. Michael Camiña, ang tinutukoy ng Rappler sa kanilang ulat ay ang pagkalat ng mga kahina-hinalang impormasyon mula sa dati nilang development server na hindi na gumagana sa matagal na panahon.


Kaya’t mali at napakamalisyoso anila ang ulat lalo’t mahigpit ang kanilang security features na inilagay sa kanilang portal kung saan nakalagak ang mga sensitibong impormasyon na ipinagkatiwala sa kanila.

Pagtitiyak pa ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na kanilang ginagawa ang lahat upang mapangalagaan at protektahan ang mga personal na impormasyon na kanilang hawak mula sa mga magtatangka rito.

Facebook Comments