Mga tauhan ng AVSEGROUP na sumagip sa babaeng nagtangkang magpakamatay, pinapurihan ng PNP Aviation Security Group

Courtesy: PNP Aviation Security Group

Pinurihan ni Police Brigadier General Andre Dizon, hepe ng PNP Aviation Security Group ang mga tauhan nito na pinangunahan ng isang magiting na pulis ng AVSEGROUP sa pagkakasagip sa isang babaeng nagtangkang tumalon sa Departure Curbside Area sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon kay General Dizon, ang ginawang kabayanihan ni Police Major Victor Peape ay isang patunay na ang mga kapulisan ng Aviation ay alisto, alerto at maaasahan sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Matatandaang agad rumesponde ang mga tauhan ng AVSEGROUP at APD sa harap ng Departure Area dahil sa isang babaeng nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa curbside ng Departure area ng NAIA Terminal 1.


Base sa report nakakaranas ng depression ang babaeng kinilalang si Janna Sultani at tila wala sa tamang pag-iisip ng gawin ang tangkang pagpakamatay.

Sa ngayon, nanatili muna pansamantala sa kustodiya ng Terminal 1 ang babae habang sila ay nakikipag ugnayan pa sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang pormal na itong mae-endorso sa kanila.

Facebook Comments