Makati Mart, naglilibot na sa mga barangay

Patuloy ang pag-iikot ng Makati Mart sa mga barangay sa lungsod ng Makati upang ihatid ang mga panindang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Ito ay para hindi na kakailanganin pang lumabas at pumunta ng mga tao sa grocery o supermarket.

Ngayong araw ay nasa San Isidro sa may Rockefeller cor. Copernico St. at sa barangay La Paz sa Archimedes St. ng District 1 ang Makati Mart.


Habang sa District 2 naman ay nasa South Cembo sa may Col. Santos cor. Silang St. At West Rembo sa A. Mabini St. ang nasabing rolling store.

Pinayuhan ang mga residente na magdala ng sariling eco bag o lalagyan ay panatilihin ang pagoobserba ng social distancing sa pamimili.

Facebook Comments