Makati PESO, magkakasa ng ikalawang mega job fair mamaya!

34

Good news sa mga tambay na gusto ng mabago ang kanilang buhay.

Maghanda kana ng resume at magpunta sa inihandang 2nd Mega Job Fair ng city government ng Makati at Public Employment Service Office (PESO) Makati.


May tema itong “Kasama Mo Ang Makati PESO Sa Pagtataguyod Ng Buhay Na Progresibo.”

Aarangkada ito mamayang alas-dyes sa 2nd Level Circuit Activity Center, Ayala Malls Circuit, Hippodromo.

Nasa tatlumpung kompanya ang makikilahok sa mega job fair kasama na rito ang partner merchants ng Ayala Mall Circuit.

Mayroon ding added service para sa mga aplikante kung saan inimbitahan nila ang SSS, Pag-IBIG, PhilHealth at OWWA.

Samantala, pwede nyo rin bisitahin dyan ang booth ng DZXL Radyo Trabaho at makilala ang ilan sa aming grupo.

Sa Radyo Trabaho, walang personalan, trabaho lang.

Facebook Comments

From Advertisers