10 Katao Arestado sa magkakahiwalay na Operasyon sa loob ng isang Araw sa Maguindanao at Cotabato City, higit 6.8 Million pesos na halaga ng SHABU nakumpiska

Sampu katao ang naaresto ng mga otoridad sa magkakahiwalay na operasyon sa Cotabato City at Maguindano matapos masangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Unang natimbog sa buybust operation pasado alas dose ng tanghali sina SAMROD MAMASAINGED DAMADA ALIAS SAM at NORDIN DATALA na naaresto sa bahagi ng Poblacion 2 Shariff Aguak, Maguindanao.
Nakumpiska sa mga ito ang 1Kg na pinaniniwalaang Shabu na nagkakahalaga ng 6.8 Million Pesos at isang M16 A1 COLT AR-15 with 1 UNIT CAL. 5.56 MAGAZINE INSERTED LOADED WITH 30 ROUNDS AMMO, at 68 ROUND 7.62 AMMO , ASSORTED IDS at UNIT WHITE SUZUKI MULTICAB na walang NO PLATE NUMBER.
Samantala kalaboso rin sina Jerry Bañaga 38 years old , farmer, na residente ng Pigcawaran, Alamada, North Cotabato at Reydin Satojeto Ganadin, 19yo, laborer, residente ng Brgy. P. Labio, Northern Kabuntalan, Maguindanao.
Naaresto ang mga ito sa operasyon sa bahagi ng Brgy. Gayonga Northern Kabuntalan pasado alas 4 kahapon. Nakumpiska sa mga ito ang isang pirasong sachet ng shabu.
Samantala caught in the act namang nagpapot session sa bahagi ng Brgy. Dalumangcob , Sultan Kudarat Maguindanao sina Saidamen Sukor Alim, 31yo, driver , residente ng Brgy. Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao, Harris Maturan Raji, 23yo, married, jobless , residente ng Brgy. MB Bagua 2, Cotabato City, Abdulgani Aragasi Tampla, 37yo, married, pedicab driver, residente ng MB Bagua 2,Cot. City at Abdulmanan Kusain Kandog, 29yo, jobless at residente ng Brgy. Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Arestado rin ng mga otoridad sa Cotabato City sina Nur Andang, Bente anyos, habal habal driver , residente ng Poblacion 2 Cotabato City at Musalik Blah, 22, decorator at residente ng Datu Piang Maguindanao. Nakumpiskahan rin ang mga ito ng drug paraphernalia .(D.A)
PDEA BARMM File Pic

Facebook Comments