Inihahanda ng Makati Police ang pagsasampa ng kaso laban sa isang kasambay at amo nito matapos na bastusin ang isang Police Officer sa Dasmarinas Village Makati City kahapon.
Sa video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang pagsisigaw ng isang lalaki na tila nakainom na kinilalang si Javier Salvador Parra sa pulis na si Police Master Sergeant Roland Von Madrona.
Bago ang komprontasyon naabutan raw ng mga pulis at mga Brgy tanod ng Makati ang kasambahay ni Parra na si Cherilyn Escalate na nagdidilig ng halaman sa labas ng kanilang bahay na walang facemask.
Magalang na pinagsabihan daw ito ng mga pulis at sinabihan kumuha ng facemask pero bagbalik nito ay galit na amo nito ang komompronta sa mga pulis at dito na kinunan ng video ng baragnya tanod ang komprontasyon ng dalawa.
Makikita sa video na pinagsisigawan at dinuduro ni Parra ang Police officer.
Giit naman ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac na ang mahigpit na pagpapatupad ng batas ng mga pulis ay nakabatay sa Revised Police Operational Procedures.
Ginagawa aniya ito ng mga pulis para matiyak na ligtas ang lahat laban sa kumakalat na COVID-19.
Iniutos na rin ni PNP Chief General Archie Francisco Gamboa sa NCRPO na imbestigahan ang insidente.