‘Makatizen Card’ ilulunsad!

125

Manila, Philippines – Lumagda ng kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Makati at isang Telecom Company para sa pagbuo ng *‘Makatizen Card’*.
Ayon kay Makati Mayor Abby Binay – layon ng card na magamit ng mga empleyado ng lungsod hindi lamang bilang Government ID kundi maging isang ATM na rin.
Dito na papasok ang sweldo at allowance ng mga empleyado ng Makati City Hall.
Pwede na ring magamit bilang sa pagbabayad ng mga buwis at iba pang mga bayarin.
Sa first phase, magiging available ito sa mga residente ng Makati.
Sa second phase, i-aalok lamang ito sa mga nagtatrabaho roon.
DZXL558

Facebook Comments