Pagpatay sa isang retiradong pulis sa Maynila, huli sa CCTV

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pagpatay ng mga armadong lalaki sa isang retiradong pulis sa Santa Ana, Maynila.
Sa video, makikita ang pagpasok ng tatlong lalaki ng naka-jacket sa isang Gym.
Biglang nagtakbuhan ang mga tambay sa lugar at sinundan ito ng paglabas ng tatlong lalaki saka sumakay sa motorsiklo palayo.
Ayon kay Manila PNP Spokesperson, Supt. Erwin Margarejo – dito tumambad ang walang buhay at tadtad ng bala na si Ret. Spo3 Dennis Padpad, 47-anyos.
Tinitingnan na rin ang anggulong may kinalaman sa trabaho ang biktima ang pamamaslang.
Inaalam na rin kung may kinasangkutang anomalya ang napatay na pulis.
DZXL558

Facebook Comments