
Pinasisiguro ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang stakeholders, partikular na ang mga establisyimento na magkaroon ng makatwiran at nararapat na pagtrato sa mga person with disabilities (PWDs).
Kasunod ito ng isang viral post online kung saan pinalabas ang batang may autism at ina nito dahil sa “no outside food” policy sa Pampanga.
Iginiit ni NCDA Spokesperson Atty. Walter Alava na kinakailangang maging considerate ang mga establisyimento sa pagbibigay ng reasonable accommodation sa mga PWD dahil para sa kaniya ay karapatan nila ito bilang PWD batay ito sa ilalim ng RA 7277 o ang Magna Carta for Disabled Person.
Samantala, nananawagan din ang NCDA na i-review ang naturang polisiya at kanila rin itong idudulog sa iba pang mga ahensya ng gobyerno.
Kaugnay nito, nagsasagawa rin ang konseho ng disability-sensitivity training katuwang ang Persons with Disability Affairs Office, private partners at ogranizations.
Ayon sa NCDA, isa itong online learning course na may iba’t ibang modules.
Hinihiling naman ni Alava na maobliga na mabigyan ng reasonable accomodation ang mga PWDs bilang kabilang sila sa komunidad.










