Make-up Artist, Patay dahil sa “Selfie”

767

*Ilagan City, Isabela- *Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang make-up artist matapos mabangga ng Kulong-kulong pasado alas syete kagabi partikular sa tulay ng Brgy. Rang-ayan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Agoot, 23 anyos, binata, residente ng Brgy Malasin, City of Ilagan, Isabela habang ang suspek at driver ng Kulong-kulong ay si Johnny Rosete, 19 anyos, binata, delivery boy, tubong Alicia, Isabela na kasalukuyang nakatira sa Brgy Sta. Victoria, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), habang binabaybay ng biktima ang lansangan na malapit sa tulay para kumuha sana ng “selfie” ay aksidente itong nabangga ng paparating na kulong-kulong.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at naisugod pa ito sa pagamutan subalit idineklara din itong dead on arrival ng kanyang attending physician.

Dinala na sa Ilagan City Police Station ang suspek at kulong-kulong para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments