Manila, Philippines – Sa kabila ng isang linggong walang pasok ang mga estudyante, iginiit ng Department of Education (DepEd) na mataas ang tyansa na magkaroon ng make-up classes.
Ayon sa DepEd order no. 25, nakasaad dito na dapat pumasok ang mga estudyante sa 195 araw para sa academic year 2017-2018.
Nakalagay din sa kautusan na kailangang bawiin ang mga araw na nakansela dahil sa holiday o mga kalamidad.
Paglilinaw naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali – nakadepende na sa mga eskwelahan kung magsasagawa sila ng mga make-up classes.
Desisyon na rin aniya ng mga school officials at Parents Teachers Association kung paano ang magiging set-up nito.
Facebook Comments