Make up classes sa Metro Manila, ipatutupad ng DepEd

Manila, Philippines – Kinakailangang magkaroon ng make up classes ang mga paaralan sa Metro Manila dahil sa sunud-sunod na walang pasok bunsod ng nagdaang holiday at ang idinaos na 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ayon kay DepEd Usec Tonisito Umali halos naubos na ng mga paaralan sa Metro Manila ang mga buffer o yung mga reserbang araw.

Sinabi pa ni Umali na pwedeng gawin ang make up classes ng Sabado o extended school hours kung single shift lamang ang klase.


Pero kung double shift, hindi maaaring i-extend ang school hours.

Paliwanag pa ni Usec. Umali na hindi na kailangan pa ng waiver sa isasagawang make up classes.

Facebook Comments