Makeshift Hospital para sa mga PUI, kinukumpuni sa Mandaluyong City

Patuloy ngayon ang pagsasaayos ng ating Makeshift Hospital sa loob mismo nang City Hall Compound upang tulungan ang mga pasyenteng Person Under Investigation (PUI).

Ayon kay Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang pansamantalang ospital na ito ay may kapasidad para sa 30 pasyenteng PUIs na may mild signs and symptoms ng COVID-19.

Paliwanag ng alkalde na maglalagay din sila ng Mobile Laboratory, X-Ray, Ventilators, at iba-ibang kagamitang medikal upang pangalagaan ang mga nasabing pasyente.


Para sa mga gustong tumulong higit na tumatanggap ang Lungsod ng Mandaluyong ng mga donasyon tulad ng unan, kumot, panlinis, pang-sanitize, mga gamot, pagkain, at iba pang uri ng tulong. Sa mga nais tumulong, maari lamang silang tumawag sa numerong 09276752522.

Facebook Comments