MAKIKIISA | Letran, tutulong sa pagresolba ng kasong kidnap-for-ransom na kinasasangkutan ng ilan nilang estudyante

Manila, Philippines – Handang makipagtulungan sa mga pulis ang Colegio de San Juan de Letran kaugnay ng kinasasangkutang kidnap-for-ransom ng ilan sa mga estudyante nito.

Bukod sa kooperasyon sa otoridad, bukas din ang Letran na bigyang ayuda ang pamilya ng sinasabing biktima ng pagdukot.

Gagawa rin umano sila ng mga karampatang hakbang para maprotektahan at maitaguyod ang kapakanan ng kanilang mga estudyante.


Una rito, isang 19-anyos na Letran student ang dinukot ng isang grupo at mastermind nito ang mismong ka-klase ng biktima.

Humingi umano ng 30-milyong pisong ransom ang mga suspek pero napalaya ang kidnap victim matapos masagip sa isang safe house sa Tondo noong August 3.

Apat na suspek na pawang mga estudyante rin mula sa iba’t-ibang kolehiyo ang naaresto na ng mga suspek habang patuloy na tinutugis ang iba pa nilang kasabwat.

Facebook Comments