MAKIKIPAG-USAP | Legalidad ng pagbili ng Grab sa Uber, pag-aaralan ng Philippine Competition Commission

Manila, Philippines – Wala pang hawak na dokumento ang Philippine Competition Commission (PCC) sa pag-iisa ng transport network companies na Grab at Uber Philippines.

Sa interview ng RMN Manila kay PCC Commissioner Stella Luz Quimbo, sinabi niyang nakipag-ugnayan na sa kanila ang Grab Philippines kung saan nakatakda silang mag-usap sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, sinabi ni Quimbo na may kapangyarian ang PCC na pag-aralan ang pagsasama nang alinmang kompanya para na rin sa proteksyon ng publiko.


Sa susunod na linggo, makikipag-usap din ang Grab Philippines sa National Privacy Commission (NPC) para naman talakayin ang data privacy issues kung saan mobile application na ng Grab ang gagamitin.

Sa April 8, sisimulan na ang transition of service ng Grab at Uber.
Bukod sa Pilipinas, sakop rin ng takeover ng Grab ang operasyon ng Uber sa Myanmar, Cambodia, Thailand, Malaysia, Singapore, Vietnam at Indonesia.

Facebook Comments