Manila, Philippines – Makikialam na rin ang DILG sa isyu ng hazing incident sa Philippine National Police Academy (PNPA).
Nakatakdang makipagpulong si DILG OIC-Secretary Eduardo Año sa mga kinatawan ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite para pag-usapan ang mga reporma sa loob ng institusyon at matigil na ang lahat ng uri ng ‘tradisyon’ ng pananakit gaya nang nangyaring hazing incident nitong nakaraang buwan na nagkataong kasabay mismo ng PNPA graduation.
Aalamin din ng dating AFP Chief ang mga kailangang suporta na maaaring maibigay ng DILG sa PNPA upang ito ay maging isang ‘World-Class Academic Institution.’
Kaugnay nito, inaprubahan na ni Año ang rekomendasyon ng binuong board of inquiry na bigyan ng ‘preferential option’ ang nakatalagang uniformed personnel sa PNPA sa sandaling magkaroon ng oportunidad para sa promosyon.