MAKITID NA KALSADAHAN, PANSAMANTALANG NARARANASAN NG PUBLIKO BUNSOD NG ROAD PROJECT SA DAGUPAN CITY

Pansamantalang nararanasan ang makitid na kalsadahan partikular sa bahagi ng AB Fernandez Avenue sa Dagupan City kung saan kasalukuyan ang konstruksyon ng road project ng DPWH para sa kadugtong na phase ng matatapos ng proyekto sa AB Fernandez East.
Ilang mga motorista, at mga driver ng mga minamanehong pampubliko man o pribadong sasakyan ay naiinip umano sa tagal minsan ng pag-usad ng daloy ng trapiko lalo sa nasabing bahagi.
Bagamat ang iba umano’y hindi na ito bago dahil naranasan na rin anila ang kaparehong problema nang umpisahan ang nasabing proyekto.

Aminado naman ang publiko na kinakailangang sumunod sa itinatakdang utos o patakaran lalo na at mula ang proyekto sa nasyonal na gobyerno.
Samantala, ang road project ng DPWH na Road Elevation at Drainage Upgrade ay isa sa mga isinusulong na hakbangin na iibsan umano sa problemang pagbaha ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments