Mala-condominium na pabahay, ipapatayo ni Mayor Isko

382
Manila Mayor Isko Moreno during his speech at the opening of "Kadiwa ni Ani at Kita" project last October 23 | Manila Public Information Office

Kasado na ang pagpapatayo sa mala-condominium na pabahay para sa mga maralita ng Maynila.

Kinumpirma mismo ito ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa paglunsad ng ‘Kadiwa ni Ani at Kita Project’ noong Oktubre 23 sa Balut, Tondo Manila.


Sa talumpati ng alkalde, inihayag niyang hinihintay na lamang ng lokal na pamahalaan ang detailed engineering design upang tuluyang masimulan ang naturang proyekto.

Ayon pa kay Moreno, lalagyan ng elevator ang ipapagawang gusali na may labing-apat na palapag.

Biro pa ng pinuno, “saan kayo makakakita ng iskwater na may elevator sa bahay?”

May lawak na 42 square meters ang kada unit at magkakaroon ng dalawang kuwarto.

Matatandaang binanggit ng alkalde na masyado nang masikip ang siyudad kaya mas mainam kung magiging pataas ang mga bahay.

Kabilang sa mga prayoridad ng pamahalaang lungsod ang pagsugpo sa problemang trapiko at pagpapaunlad ng turismo.

Facebook Comments

From Advertisers