Lalaking natalo sa sugal, sinunog ang kotse ng kalaban habang nasa loob ito

583

Kinasuhan ng murder ang isang lalaki mula Florida dahil sa panununog sa sasakyan ng kalaban habang nasa loob ito matapos matalo sa sugal.

Kinilala ang suspek na si Michael Psilakis Jr.,21, na hinihinalang may malaking koneksyon natagpuang sunog na katawan sa isang sasakyan noong Nobyembre 1.


Base sa salaysay ng isang saksi, nasa ilang libong dolyar na rin ang natalo ni Psilakis Jr. sa kanyang kalaban sa isang card game.

Unang natalo si Psilakis Jr. ng $1,000 (51,280.10 php) kaya naghamon muli ito sa ikalawang pagkakataon kung saan muli siyang natalo.

Dito na raw nagsimulang magpadala ng threats ang suspek sa biktima kung saan sinabi nitong “I got something for you.”

Pinadalhan din siya umano ng isang text message ni Psikalis Jr. at nagtatanong pa kung dapat na ba niyang patayin ang biktima.

Samantala, naiulat ng nanay ng biktima na nawawala ang anak noon pang Oct.30 na noo’y nagmamaneho lang ng kanyang sasakyan.

Kaugnay nito, inaresto ang suspek sa bahay ng ina kung saan patung-patong na kaso ang isinampa sa kanya tulad ng resisting arrest, grand theft of a motor vehicle at premeditated homicide.

Narekober din ang isang baril sa loob ng kanyang sasakyan kung saan nadiskubreng tugma ang baril sa balang tumama sa unahang bahagi ng sasakyan ng biktima.

Saad naman sa ina ng biktima, “I think it’s best for the people who have been hurt and have lost a loved one and for my family, being hurt because we lost a loved one, that everything just kind of goes through the courses at this point.”

Facebook Comments

From Advertisers