Mala-transformer film na demolisyon sa isang overpass sa China, agaw-eksena!

57

Panghimagas – Nagmistulang transformer film ang ginawang paggiba ng 200 digger machines sa isang concrete overpass sa Nanchang City, China.

Ang mas nakakabilib pa rito, natapos nila ang demolisyon sa loob lang ng isang magdamang!

Daan-daang residente naman ang dumayo sa lugar na para panoorin ang paggiba sa longwangmiao overpass na sinabayan pa ng fireworks display.


Ayon kay Lou Yi ng Nanchang Urban Construction Investment Company – pinakaligtas at pinakamabilis na paraan na raw ang mass demolition.

Dalawang dekada na umano ang nasabing kalsada at balak na nila itong palitan ng mas matibay na daan.

Facebook Comments