Utah Jazz All-Star Gordon Hayward, pumirma na ng kontrata sa Boston Celtics

80

Sports – Nakapili na ng bagong team ang pinag-aagawang Utah Jazz All-Star na si Gordon Hayward.

Maglalaro si Hayward sa Eastern Conference matapos na pumirma ng apat na taong kontrata sa Boston Celtics.

Pero ayon kay Utah Jazz General Manager Dennis Lindsey – hindi pa sila nagkakausap ni Hayward tungkol dito.


Samantala, nag-renew naman ng panibagong two-year contract sa Golden State Warriors si Kevin Durant.

Facebook Comments