MALABO | Draft ng federal constitution, malabo umanong mapagtibay ng Kongreso

Manila, Philippines – Naniniwala ang Magnificent 7 na hindi maaaprubahan ang Resolution of Both Houses # 15 o ang draft ng Federal Constitution.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, malabo na magtagumpay ang charter change dahil sa dami ng tumututol dito.

Sinabi ni Lagman na nakausap niya ang isa sa sponsor ng RBH 15 na si Davao Oriental Representatives Corazon Nunez-Malanyaon na pumalag din sa probisyon ng draft federal constitution na nag-aalis sa bise presidente sa pwedeng humalili sakaling mamatay o mag-resign ang Pangulo ng bansa.


Para naman kay Magdalo Representative Gary Alejano, compliance na lamang ng liderato ng Kamara sa kagustuhan ng Malakanyang ang paghahain ng RBH 15.

Pero nagbabala si Akbayan Representative Tom Villarin na kung makalusot ang draft federal constitution ay babalik ang bansa sa sitwasyon noong bago mag-EDSA revolution kung saan kontrolado lamang ng sampung porsiyento ng pamilya ang politika sa bansa.

Giit ni Villarin, kailangan ng politika dito sa Pilipinas ang kongkretong reporma gaya ng pagpapanatili ng term limit, pagbabawal sa mga balimbing at political dynasty.

Facebook Comments