TULONG | Pilipinas nagpadala ng humanitarian assistance sa Indonesia

Pinangunahan ni Defense Secretary Lorenzana ang send-off ceremony ng Philippine Humanitarian Assistance team patungong Indonesia.

Matatandaang niyanig ng magkasunod na magnitude 7.4 na lindol at tsunami ang Central Sulawesi na nag-iwan ng mahigit isang libo pitong daang nasawi at mahigit dalawang daan naman ang nawawala.

Ang tumulak na team ay binubuo ng mga kinatawan mula sa DSWD, DFA, AFP at Office of Civil Defense (OCD) na pinangunahan ni Assistant Secretary Nicanor Faeldon at mag de-deliver ng nonfood items sa Indonesia sakay ng C130 cargo plane.


Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, na nakahanda ang Pilipinas na tumugon at magbigay ng ayuda sa Indonesia.

Facebook Comments