Manila, Philippines – Malabo sa ngayon na matupad ang hirit ni House Speaker Pantaleon Alvarez na peoples’ initiative para mapigilan ang 2019 elections.
Ipinaliwanag ni Senate President Tito Sotto III na walang enabling law o batas na nagpapahintulot sa pagsasagawa ng peoples’ initiative.
Ayon kay Sotto, mayroong panukalang batas na naihain at nakapasa noong 1989 pero ibinasura ng Supreme Court dahil hindi sapat ang nilalaman nito para maipatupad ang sistema ng peoples’ initiative.
Maging si Senator Koko Pimentel ay nagsabi din na walang batas na magpapatupad sa peoples’ initiative kaya dapat pag-aralang mabuti ni Alvarez ang mga hakbang nito kaugnay sa planong Cha-cha para bigyang daan ang Federalismo.
Facebook Comments