MALABO | Nais ni PRRD na mapirmahan ang 2019 budget sa Dec. 15, imposibleng mangyari

Manila, Philippines – Malabong mangyari ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsapit ng December 15 ay mapirmahan na niya ang 2019 General Appropriations Act.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, masyadong atrasado isinumite ng Mababang Kapukungan sa kanila ang panakulang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Sabi pa ni Sotto, noong nakaraang taon ay Oktubre nila sinimulan ang budget deliberations pero dahil delay itong ibinigay ng Kamara ay bukas, December 4 pa sila makakapagsimula.


Paliwanag ni Sotto, kahit maipasa ng Senado sa susunod na linggo ang proposed 2019 budget ay kailangan pa rin ng panahon para sa pagsalang nito sa Bicameral conference committee at printing ng kopya.

Naniniwala din si Sotto na isa sa pangunahing dahilan ng pagka-delay ng budget ay ang naging balasahan sa Kamara.

Facebook Comments