Nakahanda na ang Malabon City para sa isasagawang ikaapat na National COVID-19 Vaccination Days na magsisimula ngayong araw at tatagal hanggang Marso 12, 2022.
Ayon sa Malabon Local Government Unit (LGU), patuloy nilang hinihikayat ang publiko na magpabakuna na dahil mabisa itong proteksyon sa nakamamatay na virus na COVID-19.
Kabilang sa mga maaaring bakunahan ay edad na 12-anyos pataas at mga magpapa-booster shot.
Mga bakunang Sinovac, AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sputnik V at Sinopharm ang gagamitin sa siyudad.
Kabilang sa lugar na paggaganapan ng malawakang bakunahan ang Potrero Elementary School, simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
Moderna at Pfizer ang nakalaan para sa 12-17 anyos.
AstraZeneca at Pfizer naman ang nakalaan para sa 18-anyos pataas.
Pwedeng bakunahan kahit hindi taga-Malabon at pinapayagan din ang walk in.