
Nananawagan ang lokal na pamahalaan ng Malabon sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyon tungkol sa naitatalang kaso ng dengue sa lungsod.
Ito’y kasunod ng kumakalat sa social media na tumataas ang kaso ng dengue sa Malabon at walang ginagawa ang kinauukulan.
Sa datos ng Malabon City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), may naitalang 394 kaso ng dengue sa lungsod mula Enero 1 hanggang Marso 15, 2025.
53% ng kaso ay lalaki, at ang pinakaapektadong edad ay nasa 10-14 taong gulang.
Mayroon din 1% kaso ang pumanaw dahil sa dengue kung saan bumababa ang trend ng mga kaso sa huling apat na linggo.
Ito’y dahil sa pinaigting na paglilinis at mga community clean-up drive sa tulong ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), barangay officials, at iba’t ibang ahensya.
Muling apela ng Malabon LGU na iwasan ang pagkakalat ng fake news kung saan makipag-ugnayan sa Malabon City Health Department kung may katanungan tungkol sa sakit na dengue.