Manila, Philippines – Bukas ang Malacañang sa planong imbestigasyon ni Sen. Grace Poe sa mga gastos ng pamahalaan sa mga foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y matapos sabihin ng senadora na nakarating sa kaniya ang mga ulat na pati ang mga kaanak ng ibang mga government officials ay sumasama sa kanilang mga official trips sa ibang bansa.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, iginagalang nila ang hakbang senadora bilang bahagi ang checks and balances sa gobyerno.
Aniya, karapatan ng senado ang pagkakaroon ng ganitong mga imbestigasyon kung sa tingin nila ay mayroong nagaganap na iregularidad sa pamahalaan.
Una nang inihayag ng senadora na walang masama kung magkaroon ng quality time sa kanilang pamilya ang mga opisyales pero gusto lamang niyang alamin kung sino ang gumagastos para sa mga ito at matiyak na hindi naaabuso ang pondo ng bayan.
* DZXL558*