Malacañang, dumistansya sa pagpapaaresto kay MNLF Founding Chairman Nur Misuari

Manila, Philippines – Dumistansya ang Malacañang sa pagpapaaresto ng Sandiganbayan laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mas makabubuti kung hayaan si Misuari na lamang ang tumugon sa usapin.

Hindi naman masabi ni Abella kung ano ang magiging epekto ng kautusan ng Sandiganbayan sa usapang pangkapayapaan.


Nabatid na may hold order o pansamantalang pagpigil sa mga arrest warrant at mga kaso laban kay Misuari dahil kasali ito sa peace talks.

Si Misuari ay pinaaaresto dahil sa kasong graft at malversation dahil sa diumano’y maanomalyang pagbili ng educational materials noong siya pa ang gobernador ng ARMM.

Facebook Comments