Manila, Philippines – Hugas kamay ngayon ang Palasyo ng Malacñang sa napipintong pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Commission on Election Chairman Andy Bautista.
Inaasahan kasi na mamayang hapon ay maghahain ng reklamo sa Kamara si dating Congressman Jacinto Paras at Ferdinand Topacio laban kay Bautista dahil sa reklamong betrayal of public trust at culpable violation of the constitution.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, walang impormasyong nakarating sa kanila kaugnay sa nasabing issue.
Pero tiniyak din naman ni Abella na walang kinalaman ang Malacañang sa planong pagpapatalsik kay Bautista bilang pinuno ng COMELEC na isang Constitutional body.
basehan naman ng impeachment complaint laban kay Bautista ay ang pagkabigo umano nitong ideklara sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net worth o SALN ang kanyang tunay na yaman o pag-aari.
Malacañang dumistansya sa planong impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista
Facebook Comments